pabili ng inspirasyon

Kakaumpisa pa lang ng buwan pero heto at tamad na tamad naman ako. Pakiramdam ko kasi routine na lang ginagawa ko; gising, minsan takbo, kain, ligo, layas, pasok sa opisina, tanga, trabaho ng pilit (kasi di naman matatapos yung workload ko kung magtitigan lang kame), tanga some more, trabaho ulit, tapos tanga ulit.

Wala na akong gana. Umay na umay na ako. If not because of the pay, a little flexi schedule, holidays off at walang pahirapan sa pagpapaalam sa leave, matagal ko ng nilayasan ‘to.

Hindi naman sa sobrang toxic yung trabaho, toxic na kasama at management pwede pa. Kaya lang kasi, mahigit sampung taon ko na ata ‘tong ginagawa. You are probably asking, bakit di ako magpapromote, mag-manager, ayoko eh. Okay na akong mediocre employee. Sulit na sulit ang ibabayad sa’yo pag nagpa-promote ka para lang sa 10% increase sa sahod mo, salaried ka na, no OT pays, no holiday pay, at no work and life balance pa. Hanggang sa pagtulog mo nagtatrabaho ka.

Andami kong gustong gawin, magtry mag work from home, sipagin, magrelocate, magtry ng bagong kompanya. Kaya lang sa sobrang tamad ko at kawalang ganang kumilos, wala. Eto ako, andito parin. Isang taon pa. Isang taon pa akong magbabyahe kada weekend. Magteten year anniversary muna ako dito, habang nagaantay kung magkakaroon ng lateral transfer sa site na gusto ko. Kung walang mago-open, mapipilitan akong magresign at magumpisa from scratch. Ilang buwan, araw, oras at minuto pa ba yun? Matagal pa.

Alam ko namang kailangan kong umayos. Kailangan ko pa naman ‘tong trabaho ko. Eto ang bumubuhay sa aming mag-ina. Pero, leche, kailangan ko ng isang katerbang inspirasyon kada araw para sipagin sa opisina. Kailangan ko ng renewed strength. Oppa, uubra kaya? Kung meron lang sanang kaopisinang gwapong may abs, baka kahit OT TY, kaya. Eh kaso waley. Kung hindi sila mga paminta, chopseuy ang makikita mo.

Lunes na naman. Kagagaling ko pa lang sa rest day, eto at nagbibilang na ako ng oras at araw bago magbiyenes. Gusto ko na ng day off ulit. Kung nabibili lang ang inspirasyon sa suking tindahan, bibili ako araw-araw. May nagbebenta ba ng bulto bulto nun sa Divisoria?

Leche talaga. Layas lang siguro katapat neto. Road trip tayo?

– wl, a.

Kung ganito lang ang laman ng opisina ko araw-araw, kahit doon na ako tumira. Charaught. Mga baks, apply tayo dito. Dali!

Advertisements

Author: Alona

A mother in an adventure of finding peace, love and happiness.

9 thoughts on “pabili ng inspirasyon”

  1. Wala na akong gana. Umay na umay na ako. If not because of the pay, a little flexi schedule, holidays off at walang pahirapan sa pagpapaalam sa leave, matagal ko ng nilayasan ‘to.

    OMG ALONA, MAGKA OFFICEMATE BA TAYO? HAHAHAHA Ganyang ganyan ang sitwasyon ko. Pasok sa banga lahat!

    Liked by 1 person

  2. Araw araw na cycle ko: gising, iyak, ligo, kain, pasok, iyak, trabaho, ot, iyak, uwi, iyak, minsan yoga, iyak, tulog HAHAHAHAHHAAHHAAHH lagi ako umiiyak deep inside kasi UMAY NA UMAY NA AKO SHKDHAK leche hahaha

    Like

  3. ABA NAMAN KUNG GANYAN LANG RIN ANG OFFICE KAHIT MAG-OT AKO NG 54 HOURS WEEKLY! Hahahahaha charot!!

    Pero minsan talaga.. (Or kadalasan) Hindi naman ‘yung trabaho ang inaayawan and sinusukuan kundi ‘yung mga kasama at management eh. Sana makapag-break ka sometimes and makapagrelax, Ate. Need mo ‘yun. 🙂

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s