nakikibalita, nangungumusta, atbp.

mahigit dalawang buwan atang natahimik ‘tong blog ko. gustuhin ko mang magsulat ng magsulat, tamad na tamad ako eh. andami kong drafts, lalo na at magtatapos ang taon pero hindi ko alam kung magkakaroon ako ng oras para tapusin silang lahat.

dapat sana “buhay pa ako” or “andito pa ako” ang title ng blog post na ‘to kaso namomorbidan ako lalo na at para akong tanga lately na iniisip ko paano na yung anak ko kung mategi ako bigla.Β as in mukha akong ewan, i am awareΒ i was telling the important people in my life na huwag papabayaan ang anak ko if ever something happens to me, kaya lalo akong napapraning. nakaexperience ka na siguro ng ganun, yung mga kamaganak na unaware na nagbibilin. ako naman praning lang. ayaw ko pang madeds. madami pa akong dapat gawin. gusto ko pang makita mga apo ko sa tuhod, ganung level.

andami kong gustong ikwento, yun pa yung nakwento ko ‘no? siguro kasi nabobother talaga ako at talagang kailangan ko siyang ilabas. marami akong eme sa buhay lately, busy, stressed, pagod, kaya halos wala din akong magawang productive. wait, meron naman ata, konti. end of the year na pero madami pa akong hindi nagagawa na gusto ko sanang magawa this year. mukhang maeextend na naman siya sa 2018.

meron narin akong word for next year, courage. dumating siya sa akin mid-year pa lang ng 2017 pero hindi ko muna siya ineentertain kasi another strong word na naman, eh si joy na ngalang pinahirapan ako ng bonggang-bongga. sana mas maging mabait sa akin ng konti si courage. gusto ko naman ng hindi roller coaster na taon. saka na ako magsusulat ng yearly keme ko for 2017 at intro ng one word ko kapag sinipag ako. hopefully, by first week of january. baka gusto mong maki-join, magset ka rin ng one word for 365 days for 2018. click mo ‘to para sa details ng one word kemerut barurut.

exactly one month and one day to go, madadagdagan na naman ang taon sa edad ko, kaya rin siguro kung ano-anong naiisip ko. sana matapos ko yung mga dapat kong isulat ng december hanggang january. sana sipagin ako. at sana makalagpas ako sa kabaliwan phase ko kapag december.

ikaw, kumusta? anong balita sa’yo?

– w.l, a.

huwag sanang ganito ang isagot mo sa tanong ko. hahaha. pero naaliw ako dito.
[credit to the owner, click the image for the source]

Advertisements

7 Replies to “nakikibalita, nangungumusta, atbp.”

  1. Uy palibre naman ng Chickenjoy sa birthday mo! LOL.

    Pero seriously, di pa ako nakakagawa ng bagong playlist kaya iba na muna pinopost ko sa blog. Ala ring time kasi puro exams. Generally, holidays are busy for everyone. So, don’t worry about keeping up.

    Naalala ko yung mga mother friends ko, may kapraningan din sila minsan. The more I hear it, the more I realise baka this is how you know that your maternal instinct is kicking in. I’m not a mom myself pero it must be so wonderful to have someone to love that much.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.