treinta y uno

Narinig ako ng nanay kong sumagot na bente-otso na ako nung may magtanong ng edad ko kahapon. Ang nanay kong mahadera sumabat agad tapos ipinagsigawang, “Hoy! Mahigit trenta ka na!” Makasopla naman si Mother Earth ng edad, akala mo walang bukas. Hahahaha. Hindi na lang ako sakyan sa pangarap kong endless loop of 28.

Dati nagfefret ako over my age. Lalo na kapag magpapalit ng taon kasi January 8 ako ipinanganak, so isang linggo palang sa pagpapalit ng kalendaryo, magiiba narin ako ng sagot kapag tinanong ako sa mga questionnaire ng edad ko. Hindi ko naman feel ang pagiging over thirty. Sabi nga nila, age is just a number. Hindi ako naniniwala diyan noon. Feeling ko before kaechosan lang yan. Pero nung nagtrenta na ako, ay mamshie, totoo nga number lang yang edad. Charaught.

Bihira narin akong bumongga ng handa, nagboodle fight lang kame kahapon. Ang pinagbago lang naman eh mamshie narin ako. Last year hindi ako naglagay ng wish list, nagkwento lang ako. Two years before that I asked for the fulfillment of my heart’s desires instead of tangible things. Ngayon para maiba naman, yung mga gusto ko na lang ma-achieve for 2018. Hindi ‘to New Year’s resolution. Let’s say, Bucket List? Parang hindi rin eh. Ay ewan. Basta maglilista na lang ako. Kung pwede nyo akong regaluhan ng kahit ano sa list ko, maraming salamat in advance.

1. Bullet Journal. Pinagiisipan ko pa talaga kung magagawa ko ‘to. Sobrang tamad ko kasi. Hindi ko sasabihing busy ha, kasi minsan busy akong maging tamad kaya wala akong nagagawa. Hindi pa ako nakakabili ng plain notebook at pens for this kasi nga pinagiisipan ko pa kung gagawa ako. Kung bibigyan niyo naman ako ng gagamitin ko, why not coconut? Umpisahan ko agad yan.

2. Travelling. I need to travel this year. Hindi yan basta option lang. NEED. It’s one of those things I’ve realized after a year of motherhood. Iba kasi yung oras mo for yourself. Dati kasi I thought okay na ang bahay, byahe, trabaho na lang ako. Andami kong hindi na nagagawa pagkatapos ng mga ganap sa buhay ko for the past two years. It’s time to get back to at least some of the things I do before, magkaroon lang ako ng break sa routine ko. Regalo? Ticket or Hotel Voucher pwede na.

3. Reading. In fairness naman natapos ko yung 12 books na 2017 Reading Challenge ko. Sobrang last minute yan. Sa Goodreads Challenge ko makikita niyo dun 25 books. Yung totoo dyan, volumes ng manga yung last 14 books so technically parang isang libro lang talaga. Kaya ang count ko parin eh 12 books lang. Sana Dapat maibalik ko ung reading mojo ko. Magmula kasi nung madeads si K (the Kindle), nawalan na ako ng ganang magbasa kahit na sobrang dami ko pang physical books sa bahay. Nakakatamad kasing magbasa ng libro. Masarap lang siyang tignan. Itatry ko naring magbasa ng physical copies. Sayang naman kasi yung mga librong hinoard ko nung mga panahong ikakamatay kong wala akong bagong book purchase. Kung merong may golden pocket dyan na magiesponsor ng Kindle Paperwhite ‘ko, $119.99 yun sa Amazon. ₱7,280 sa Lazada.

4. Part Time Job. Nagkaroon naman ako ng part time job sa Upwork during the last ng quarter of 2017. Yun ang nagbigay ng sobrang stress sa akin. Narealize ko na mahirap ang may dalawang trabaho sa set up ng buhay ko. Hindi ko kaya ang daily/hourly job. Kung magapply ako ng jobs sa Upwork, yung hindi fix ang oras at hindi daily—fixed price project lang. Kailangan ko ding ayusin yung profile ko dun. Target ko this year, ma-put up yung online shop ko sa Facebook ng scents and bags and stuff. Hindi ko palang siya magawa ngayon. Bumuli kayo ng pabango ko ha?

5. Socialize. In real life yan. Hindi lang online socialization. Magmula kasi nung nanganak ako nawalan ako ng oras sa paglabas-labas, pagpunta sa events at kung ano-ano pa na pwede akong makameet ng mga nilalang na kawavelength ko. Kung magkakaroon pa ng isa pang TFiOB meet up, itatry ko na talagang makapunta. Hindi ko sure kung kaya pa sa dati kong book club or hahanap siguro ako ng ibang pagkakaabalahan.

6. Baking and Culinary. Medyo frustration ko ang magluto lately. Masarap naman akong magluto. Magastos lang. This year, gusto kong matutong magbake. Inisip ko pa kung ano bang dapat mauna, magenroll sa baking class or bumili ng oven para magself learn? Tumatanggap po ako ng kitchen package. Yung culinary pangarap pa lang talaga. Kasi kaya ko namang magluto but I want to learn different cuisines and someday make my own recipes. Ang mahal din kasi talaga ng Culinary School so hanggang dream na lang muna siya.

7. Save Up. I want to save enough for the plans I have for the upcoming years. So habang kaya ko pa, gusto kong panindigan ‘tong savings churva na ‘to, isama mo narin ang debt free. Both are in progress, gusto ko lang talaga na mabigyan ‘to ng focus.

8. Healthy Living. Struggle ‘to mga bes. Ang sarap kasing kumain yung totoo. Nag 2 weeks vacation lang ako from work, nag-gain ako ng almost 7 lbs! Kaloka talaga. Hindi lang naman vanity ‘tong loose weight na gusto ko, more of healthy lifestyle talaga yung kailangan kong mapush this year. Kasi kahit feeling ko 28 ako forever, yung katawan ko hindi nagaagree kaya kailangan ko talagang pagtrabahuhan ‘to. I need to go back to running and a well-balanced diet. Nadeads ang diet ko nung holiday season.

Tama na yang walo. Masyado na atang mahaba kung papaabutin ko pa ng treinta y uno. Aabutin tayo ng next year dito. Dahil hindi naman ako naginvite, eto na lang picture ng handa ko ang pagsaluhan niyo.

–  wl, a.

P.S. Tumaya sana ako ng jueteng. 8/28 daw ang labas kahapon. Echusera kasi nanay ko. Sayang. Chos.

Yaan lang ang nakayanan ng ref namin. Hindi naman kasi handa talaga yan na bibili pa talaga. Inihaw lang namin kung anong laman ng ref. Wala tuloy stock yung ref kinabukasan. Hahaha.

Advertisements

14 Replies to “treinta y uno”

  1. In fairness naman sa ‘yo beh, hindi halatang nasa trenta ka na. 🙂

    At kung gusto mong mag-travel sa Canada, abisuhan mo ako. Planuhin natin ang schedule. Dito ka na sa amin tumuloy, libre na pagkain at shampoo at sabon (awuw hahaha).

    Like

      1. Siguro naman ‘pag may passport at visa ka na, masipag na akong magluto hahaha. Sana matupad ‘to kahit mga three, four years from now! At sana matupad lahat ng eme mo for this year. 😀

        Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s