huling gabi

Wala akong planong gawan ito ng review kasi pakiramdam ko nasabi na lahat ng nabasa kong review tungkol dito lahat ng pwede kong sabihin (ang totoo tinatamad lang talaga akong magsulat). So bakit ko ito ginagawa ngayon? Si Jolens kasi. Nireplayan ni Bela Padilla sa Twitter (ganyan kalakas ang karisma ni Ate Jolens) about something matapos ma-ungkat yung FHM cover ni Bela dati na may mga kasama siyang dark skinned models dahil sa Ethiopian shoot nila Billy at Colleen. May nagbigay kasi ng komentaryo doon na ikinapantig ng tenga ni Ate Bela, itago natin siya sa pangalang Thea. (Hindi ito si Aila, katokayo niya lang.) Hanggang pati yung movie na isinulat ni Ate Bela nakita niyang may comment si Ate gurl, nagreact din si Ate Bela-china doon. Anyway, nasa Twitterverse naman yan, pupwede kayong magbackread.

Ang comment kasi ni Ate Thea about sa movie na Last Night na-romanticized ang suicide. Ang tira ni Ate Bela may mga tao daw na nagreach out sa kanya telling her how the movie helped them. Baka lang the movie is not made for her. Point taken. Tapos nagchismisan na kami ni Jolens sa DM in Twitter. Teka, eto seryoso na.

May sari-sarili tayong interpretasyon ng bawat pelikulang napapanood natin. Hindi ako sumasangayon sa “it’s not made for you.” Kasi kapag gumagawa ka ng pelikula, hindi mo pwedeng sabihing for a certain demographic lang ito. Dahil suicide ang tema ng pelikulang Last Night, ibig bang sabihin para sa mga gusto lang magpakamatay yung pelikula? Hindi diba? Kaya hindi ko tinatanggap na valid argument yung hindi ginawa para sa kanya. Pupwede pang hindi nagwork yung atake nila sa pelikula para kay Thea—which also what exactly happened to me when I watched Last Night.

Ate Thea is not the only one who thinks the movie has flaws. A CNN Philippines movie reviewer even said it’s a dangerously trivial portrayal of taking your own life.1 Sinabi ng review na yan kung ano yung mga bagay bagay tungkol sa suicide na hindi tinake into consideration nung kinoconceptualize yung pelikula at nag-aaggree ako diyan. Pati narin sa sinabi ni Ate Thea.

Napakaseryosong issue ang suicide para sa ganoong klase ng atake. Extreme measure ng mga taong may pinagdadaanan ang suicide. Hindi lang dahil sa isang masamang pangyayari kung bakit nagdedesisyon ang isang tao na wakasan ang buhay niya. Depression doesn’t happen overnight, the decision to kill oneself doesn’t happen overnight and the desire to end your life will not go away in one night. At hindi napapawi ng naguumpisang pagibig ang kagustuhang magpakamatay ng isang taong desidong magsuicide. Wala akong romantic angle na nakikita sa pagpapapakamatay maliban na lang sa abs ni Piolo Pascual.

I don’t have anything against Ate Bela-china. Nagegets ko naman yung gusto niyang ipahiwatig as the writer. Yung nais niyang iimpart sa viewers. Pero kasi teh, punto ko lang hindi na tatanga tanga ang Filipino viewers ngaun. Hindi porket nagets ko na eh deadma na lang ako sa mga bagay bagay na hindi ko nagustuhan. Kung ibabase kasi natin sa kung anong level siya as a script writer, kudos sa level niya. But dun sa format nung movie, dun sa execution, or sa direction or whatever, pumalya siya bes. At ang pinaka-ayaw ko pa dito, yung nagrereact sa negative reviews. Iba ang pag-arte sa pagsusulat. May talent si Ate Bela na pwede pang mahasa. Wala namang nagsabing huwag siyang magexpand ng horizon. Ang akin lang kung hindi siya marunong tumanggap ng constructive criticism, paano niya maiimprove yung craft na ineexplore niya? Tsaka, aminin na natin. Maraming mas magagaling na manunulat sa industriyang pinapasok niya na hindi nabibigyan ng pagkakataong ipakita kung anong mayroon sila ng dahil hindi sila mainstream katulad ni ate.

– wl, a.

P.S. Lesson learned from this fiasco, huwag magkalat sa Twitter. Charet.

Source: 1 What ‘Last Night’ gets wrong about suicide by Apa Agbayani

Advertisements

13 Replies to “huling gabi”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.