one lovely blog award

Buti na lang hindi ko naabutan ang sumpa ng award na ‘to, maraming salamat Space at nauna kang magnominate. Grabehan ang sumpang kasama ng award-chinabells ni Aysa, 200 years na sumpa sa lablayp! Wala na ngang forever, wala ka pang lifetime. 

May rules ang pa-award ni Mayora, 3 of 4 lang ang magagawa ko dito kasi kashomad magnominate. Tapos namoninate naman nila lahat so kebs na. Eto na yung coninstruction ni Madame:

🌿Magmaganda ayon sa kagandahan level. Ay wala pala niyan.
🌿Pasalamatan yung nagmonina tapos i-link back yung post, para share-share sa web-traffic.
🌿Ilista yung rules para pampahaba ng post. Additional words din yan.
🌿Maglagay ka ng kabaklaang facts tungkol sayo. Mga sampu–ay pito lang daw. Para Lucky Seven ang peg.
🌿Magnomina ka ng mga benteng bloggers. Witchekells, kinse lang daw para hindi mahakot ang awardees.

Seben lably facts ni atashi:

1. Sinasaniban ako ng pagkabakla ko paminsan minsan. Katulad ngayon. Marami akong pamintang friends. Merong pamintang durog, pamintang buo, pamintang mix at may mangilang-ngilang x-men. Dahil sa kanila natuto ako ng salitang beki, kasi kung hindi, mabebenta nila akez na wit ko niknowing at witchekells mo magets kung anong latest tokis ng mga bakla kung di ka marunong ng beki language.

2. Natuto akong magappreciate ng borta, meantsuk, guash, magdifferentiate ng dako at juts sa isang tingin lang, at jumamoy ng pamean. Nagets niyo? In simpler terms, nakakita ako ng gwapong malaki ang katawan pero pareho pala kami ng gusto. Hindi pala kame talo. Kabog ang ganders ni atey.

3. Pinanood ko lahat ng Magic Mike sa sinehan. Tapos nagbaon kame ng kanin. Charot lang. Tubig lang ata dala ko nun kasi nakakauhaw kaya kapag sinayawan ka ni Channing Tatum. Kememberlu narin yan ng mga bading, lalo na kung b.y/guash si koya. Tingin pa lang, ulam na.

4. Lalaki ako dati. Charet. May phase ako sa buhay kong nagkagusto ako sa babae, pero bagets pa ako noon. Papuberty palang kaya andun pa ako sa Indentity vs. Role Confusion. Nagaral kasi ako sa all-girl school mula kindergarten hanggang grade six. Ang nakikita ko lang na lalaki dati ay yung mga gardenia at maintenance. Yung katabi naming school, all-boys naman sila, kaya madami ding beki doon. Nung naghighschool ako, saka ako nagcoed, at ditey ko narealize na may mga lalake palang pwedeng maging klasmeyt. HAHAHA.

5. Nagbabasa ako ng erotica at bdsm. Nabanggit ko na dati na mahilig akong magbasa. Meron akong 115 physical books ngayon sa bahay na halos di ko pa nababasa lahat. Hindi pa kasama doon yung mga e-books ko. So ayan nga, nagbabasa ako ng mga kalandian. Minsan pati non-fiction about sex. Naniniwala kasi ako na a woman should know and love her sexuality. May mga judgy kasi akong namemeet na mga jutaw. Lalo na when it comes to this. Go ako sa variety of genres sa reading. May magagaling na mga manunulat din sa genreng ‘to. At hindi kasama si E.L. James diyan.

6. Occasional hardcore gamer ako for a few years. Mga 10 years din siguro ng buhay ko ang ginugol ko sa paglalaro ng videogames at MMORPGS. Hindi ako mahilig sa MOBA kaya never ako naglaro ng Dota at LOL. Nakakahighblood kasi kapag noob mga kasama mo tapos nakasalalay ang MMR mo sa rank games. Nagquit na akong maglaro since nagkababy ako. Hindi narin kasi kaya ng oras ko.

7. Sa MMORPG kame nagkakilala ng partner ko. Hindi naman kame nagkain-laban agad. Nagkita rin naman kami sa personal bago kame nagkadebelopan. Mahirap na paano kung chapter pala siya diba? Hindi naman ako naghahanap ng sobrang guash kasi baka mamaya paminta pala siya. Naging way ang online games para makameet ako ng long time friends. Yung iba sa kanila kasama ko na sa iba’t ibang games for the past 5 years at nagkikita kita in real life kapag nagkatagpo tapo ng oras or nakadayuhan sa lugar lugar.

Nalerki ka ba? Hindi na ako magnonominate, hello, 48 years bago ko naharap gawin ‘to kaya naubos na nilang lahat.

– wl, a.

2018-03-25 05399453691..jpg

Advertisements

9 Replies to “one lovely blog award”

  1. Love ko yung photo! 🌻
    Ayun, anembang itey, haha, AWARD! Naintindihan ko naman haha, kakaloka mga paks mo teh. Sobrang agree ako sa e.l. james haha di ko nagustuhan yung paraan nya ng pagsusulat hahaha!

    Liked by 3 people

  2. Vakla ka ng taon! Hahahahahaha! Ang saya pag lahat na ng variety ng paminta pamentos pamenthol meron ka hahahahahhaa! Malayo pa lang yung guy maaamoy mo kung naka foundation hahahahahaha! Hayp! Nag enjoy ako rules bakla ka! 😂😂😂😂😂

    Liked by 2 people

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s