de-stressing the 1,715 calories i ate today

May utang pa akong 14 Things About Me from Eylah at questions from Jhem kaya naisipan kong sagutin na lang muna kahit may client call ako in 30 minutes. Stress na stress kasi ako. Hindi dahil sa tambak ang workload (na magiging tambak na pagpalit ng araw sa Huwebes kasi antamad tamad ko na naman), kundi dahil sa 1,715 calories na kinain ko maghapon.

Continue reading “de-stressing the 1,715 calories i ate today”

Advertisements

getting personal

Thank you Aila for the blog award(s). As for your questions… Pakyu ka, ‘teh. Joke lang. Niyanig ng mga tanong mo buong pagkatao ko, bes. Hahaha. 

It took me sometime to do this post because I want to honestly answer her questions but I don’t know how honest should I be. I even sent her a message asking how personal is personal. I was also contemplating if I will set this on private and just post the password in the group page then decided not to because, what the heck, this is a personal blog for some reason so I’ll share what I want.

Continue reading “getting personal”

friday traffic + habal-habal

I try not to hate all days of the work week, however, there are really days I can’t tolerate—Mondays and Fridays. If you are living in Metro Manila, I know you are one of millions who constantly face the crazy traffic from north to south of the city and vice versa. If you are a commuter like me, we face the long lines of MRT, P2P buses, PUVs, jeepneys and tricycles and the hours spent going from one place to another every fvcking day. Complaining and being late due to the traffic are sometimes not acceptable now since we all know that’s already a norm in Metro Manila’s roads. Mondays and Fridays are often the worst days for traffic. Continue reading “friday traffic + habal-habal”

pabili ng inspirasyon

Kakaumpisa pa lang ng buwan pero heto at tamad na tamad naman ako. Pakiramdam ko kasi routine na lang ginagawa ko; gising, minsan takbo, kain, ligo, layas, pasok sa opisina, tanga, trabaho ng pilit (kasi di naman matatapos yung workload ko kung magtitigan lang kame), tanga some more, trabaho ulit, tapos tanga ulit.

Wala na akong gana. Umay na umay na ako. If not because of the pay, a little flexi schedule, holidays off at walang pahirapan sa pagpapaalam sa leave, matagal ko ng nilayasan ‘to.

Hindi naman sa sobrang toxic yung trabaho, toxic na kasama at management pwede pa. Kaya lang kasi, mahigit sampung taon ko na ata ‘tong ginagawa. You are probably asking, bakit di ako magpapromote, mag-manager, ayoko eh. Okay na akong mediocre employee. Sulit na sulit ang ibabayad sa’yo pag nagpa-promote ka para lang sa 10% increase sa sahod mo, salaried ka na, no OT pays, no holiday pay, at no work and life balance pa. Hanggang sa pagtulog mo nagtatrabaho ka.

Andami kong gustong gawin, magtry mag work from home, sipagin, magrelocate, magtry ng bagong kompanya. Kaya lang sa sobrang tamad ko at kawalang ganang kumilos, wala. Eto ako, andito parin. Isang taon pa. Isang taon pa akong magbabyahe kada weekend. Magteten year anniversary muna ako dito, habang nagaantay kung magkakaroon ng lateral transfer sa site na gusto ko. Kung walang mago-open, mapipilitan akong magresign at magumpisa from scratch. Ilang buwan, araw, oras at minuto pa ba yun? Matagal pa.

Alam ko namang kailangan kong umayos. Kailangan ko pa naman ‘tong trabaho ko. Eto ang bumubuhay sa aming mag-ina. Pero, leche, kailangan ko ng isang katerbang inspirasyon kada araw para sipagin sa opisina. Kailangan ko ng renewed strength. Oppa, uubra kaya? Kung meron lang sanang kaopisinang gwapong may abs, baka kahit OT TY, kaya. Eh kaso waley. Kung hindi sila mga paminta, chopseuy ang makikita mo.

Lunes na naman. Kagagaling ko pa lang sa rest day, eto at nagbibilang na ako ng oras at araw bago magbiyenes. Gusto ko na ng day off ulit. Kung nabibili lang ang inspirasyon sa suking tindahan, bibili ako araw-araw. May nagbebenta ba ng bulto bulto nun sa Divisoria?

Leche talaga. Layas lang siguro katapat neto. Road trip tayo?

– wl, a.

Kung ganito lang ang laman ng opisina ko araw-araw, kahit doon na ako tumira. Charaught. Mga baks, apply tayo dito. Dali!

the IG struggle is real

I recently went back to IG since I decided to curb the time I spend with Facebook. As I said on a previous post, I find the latter detrimental to my well being. Charaught.  I do not know if that is a good thing, definitely a lesser evil compared to FB but, damn, my IG problems are back. Hahaha. Continue reading “the IG struggle is real”

gusto ko ng teleportation powers

Pagod na kasi ako. Pagod sa walang habas na traffic sa EDSA. Pagod sa commute. Pakiramdam ko sa bus na ‘ko nakatira.

I spend a minimum of 25 hours travel time every week. 8-10 hours on weekends when I travel to Pangasinan (including travel time back to Manila) not counting the additional hours when I go to Baguio. 4 hours everyday to and fro the office. Eh kung may ibang errands pa ko? Isama mo pa pag biglang umulan or may nagbanggaan sa EDSA. Pwede na kong magdala ng unan at kumot, titira na talaga ako sa bus. Makakatapos ka rin ng isang series, American or Korean up to 20 episodes. Ganun siya kalala, beshy.

Hindi ko narin ata mabilang kung ilang beses ko ng napanood ang “Super Parental Guidance” sa bus. Dumating narin ako sa point na sinasabayan ko na yung sinasabi ni Vice Ganda. Hindi ko nadin mabilang kung ilang tao nakatabi ko sa bus. Pero tandang tanda ko yung bilang ng nakasabay kong gwapo. Zero. Eh wala, puro mga chakabells nakakasabay ko. Ni ultimo sa Uber pool, wala. Kahit yun man lang sana ang ikasaya ko sa byahe diba. Kahit matraffic, keri lang. At least meron kang magandang tanawin, mas okay yung pang ulam na para kanin na lang, solve na gutom mo sa byahe.

Bullet train lang naman hinihingi ko para kahit araw arawin ko na ang paguwi sa probinsya at ng makasama ko naman junakis ko ng madalas. Kaso mukhang magpapaaral na ako ng highschool eh wala parin yan. Kaya okay na ko sa teleportation powers. Yung mala-Goblin style. Bubukas lang ako ng pinto, lalabas ako sa lugar na gusto kong puntahan. For sure never akong malelate nyan.

Kahit yun lang, masaya na ko. Makakatipid pa ako sa pamasahe.

wl, a.

P. S. Heto, long weekend. Asa bus na naman ako paakyat ng bundok. Anim na oras na byahe with no gwapo insight. Ang saklap naman.

social media break

I’ve been on social media for how many years now. I have accounts on Instagram, Twitter, Google +, Facebook, Pinterest, Goodreads, Tumblr, LinkedIn, Flickr, VSCO, Friendster and Myspace (when they were still the “in” social sites), Photobucket, WordPress, VK and whatever forum platforms I signed up for that I can’t remember on top of my head right now. Sometimes I interact with people, most times I’m a lurker. I am not always online, if that’s what you’re thinking, I’m just an internet savvy who likes creating accounts on different sites and forgetting about them unless I visit the site often. I still have periods of being a social hermit whenever I feel burned out of all the things I see online. Nakakasira ng bait kasi at gusto ko namang magpamiss minsan. Charaught.

Lately, I’m thinking of giving up some of the most time consuming social media accounts I have. Yes, the big three. Continue reading “social media break”